Ngiti. Mundo. Ngiti.

Just another WordPress.com weblog

Tokwa.

leave a comment »

If I were a buoy.

Lulutang ako sa dagat, wala akong gagawin kundi titigan ang lahat at alalahanin ang aking buhay na lumulutang sa dagat.

Lalaruin ako ng mga dolphin, baluga whale, killer whale at kung anu-ano pang whale. Susubukan akong kagatin ng mga isda.

If I were a buoy.

Gagawin akong inspirasyon sa kanta ni Beyonce.

But I’m not a buoy.

*****

Ang ganda talaga sa Amerika, kung may gusto lang ako, lalagyan ko ng singsing ang kahit na anong bagay at agad nang malalaman ng mga tao doon na gusto ko yung bagay na yun. Lalagyan ko ng singsing yung mga Ipod, kotse, edukasyon sa Harvard at ang marami pang bagay para malaman ng mga tao na I wanted it so I’m putting a ring on it.

Yung susunod ko ngang karelasyon lalagyan ko rin ng singsing.

*****

Tama na muna yang mga Beyonce na yan.

*****

Kamusta naman ang magiging Valentine’s Day ko? Sa ngayon, wala pa. Parang ayaw ko kasing magka-date at tutal mukhang himala lang ang makakapagpa-date sa akin sa gusto kong ka-date, kaya ako naman itong naghihintay para sa isang milagro. Siguro, panahon na nga para matuto akong humabol sa mga milagro, ang gumawa ng sariling kong kakayahan na gumawa ng milagro para sa aking sarili, tapos may date na ako.

*****

Ako as ako.

Siya as siya.

Ang (___) as Mang Prokorpyo, Miguel’s alter ego.

Ako: Hi.

Siya: Mag-isa ka lang?

A: Oo.

Siya: Ah okay, so….sige ah have a good night. Enjoy.

A: Ok ka.

Siya: Ha?

A: Sabi ko tokwa.

Siya: Ha? Okay. Bye.

A: Wala lang. Samahan mo muna ako. Hahahaha. (Shet. Tangina mo Miguel, ito na at matitikman mo na ang rejection)

Siya: Okay.

A: Talaga?

Siya: Hmmm sandali lang ah? Kasi kailangan ko silang samahan.

A: Ah sige, sige. Sandali lang tayo mag-uusap, pasensya na ah, wala kasi akong kasama, malungkot.

(Matapos ang ilang sandali ng pag-uusap tungkol sa kung anu-anong bullshit sa paligid)

A: So sure naman ako na may date ka sa Sat.

Siya: Wala noh.

A: Sus. Imposible naman. Ikaw pa! (Classic na linya, consistent techinique, deadly delivery, high risk nga lang pero high reward din, gagana kaya? Parang feel ko hindi.)

Siya: Sus. Wala eh, ayoko ng date.

A: (Okay, gago ka pinahihirapan mo ako, go for it!)(Ha? Tatanungin ko siya kung isa rin siyang Robiliever?)(Gago! Date! Yung deeeeeyyyyyt!) (Natatakot ako.)(Sus, gusto mo kasi sigurado ka sa babae, panahon na para i-avail mo na yung pogi points system, just like the rest of the male population. Mag-ipon ka na ng pogi points tapos i-avail mo, di na puwede yung sure winner ka dapat. Hindi ka na si Kobe na sinali sa mga Liga ng Bading sa Barangay Toro-toro o kaya hindi na ikaw si Manny Pacquiao na nanghamon ng suntukan dun sa bulag na walang paa’t kamay. Kelangan maramdaman mo na ang hirap ng pag-ibig.) Hmmm…Ako rin eh wala. (Shit ka Miguel, wala kang kuwenta)

Siya: Ah ganun.

(Fail ka pare, fail. Wala siyang pake. Di pa nga siya nakangiti eh. Sorry pare.)(Hindi ako susuko!)

A: Sige na nga. Gusto kita. Actually, nagagandahan talaga ako sayo, tsaka ewan, parang gusto kitang makilala. Alam mo yun? Yung parang “Shet. Tangina. Sana walang nanliligaw dito kasi gusto ko siya” yung parang ganun. Pero alam mo rin naman siguro yung feeling na imposible, magkaiba yung mundo niyo. Kaya nga may kanta si Rico Blanco na your universe, kasi iba yung mundo mo. Di ba nga yung lyrics nun parang ganun? Tsaka marami pang kanta tungkol dun. Pero ang bottomline, gusto kita. Tumitigil ang oras kapag nakikita kita, kumakanta ang mga koro ng Backstreet Boys, 98 Degrees, Brian Mcknight with Jimmy Bondoc feat. Paolo Santos. Nararamdaman ko na ang guwapo ko kapag kinakausap mo ako nang nakangiti ka, para bang puwede na kong maging bida sa isang The O.C. o kaya kung gusto mo nang lokal yung Tabing Ilog. Yun, puwede akong ilagay sa mga remake nun kapag kinakausap mo ako. As in, kinikilig ako kapag nakikita kita, kapag kinakausap mo ako, kilig na kilig na ako ngayon, para akong si Mike Arroyo sa isang Senate Hearing, tibok nang tibok ang puso ko, ayaw tumigil. Sinasabi ng iba na bitter ako, yung iba nga sinasabi bading daw ako pero di yun totoo, kasi kapag nakikita kita ang meron lang ay ang ikaw at ako, wala nang iba, minsan nga kahit yung sahig nawawala, pati yung kagustuhan kong mapag-isa sa katahimikan nawawala na rin. Alam mo yung kanta na I’d Rather? Yun parang ganun, I’d rather have bad times with you than good times all by myself…iniba ko yung lyrics para sakto sa buhay ko anyways. Gusto kita at di ko alam kung mas lalalim pa ito o darating ang araw na masasabi na lang natin sa isa’t isa na nagkamali na tayo and we should stop seeing each other. Pero sa ngayon, gusto kita, kaya puwede ka bang makasama, kahit lunch lang o dinner. Libre ko, malamang dapat lang kasi ako yung nagtatanong, sabihin mo lang kung saan mo gusto, basta simple, ayoko dun sa mga mamahaling restawran na hindi naman masarap, puwede na tayo sa Hap Chan Tea House tangina ang sarap dun, pipilitin ko pa yung uncle ko na pahiram sakin yung kotse para may kotse tayo, papa-drive ako sa kanya. Basta pumayag ka lang, gusto ko lang tayong mag-usap nang ikaw at ako lang. So…anong say mo?

Siya: Sorry, I’m busy.

At dun na ako nagising. Nakangiti pero malungkot kasi mangyayari naman talaga yan kapag ginawa ko ang lahat, sumakay na ako ng susunod na jeep at nagpatuloy papauwi.

Written by mangprokorpyo

February 11, 2009 at 1:55 pm

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.