Ngiti. Mundo. Ngiti.

Just another WordPress.com weblog

Tibok ng Puso

with one comment

Ano ang sasabihin mo kapag nangyari sa iyo ito.

 

Isang araw naglalakad ka lang, naglalakad ka lang. Kasama mo yung crush mo, at nag-uusap lang kayo tungkol sa mga bagay ng buhay, this n’ that ika nga. Naglalakad lang kayo at nagtatawanan. Tapos kailangan niyo nang umuwi, at sinabi niya sa iyo na “We’ll see each other again, next time”. Lumapit siya para halikan ka sa pisngi, bilang pasasalamat. Malapit nang lumapat ang kanyang labing kay-pula sa mga pisngi mo. Ayan na.

 

Bigla kang gumising.

Isang oras na lang at klase mo na, kaya kumain ka muna, nagbasa ng diyaryo, nakinig ng radyo, pinagmumura mo ang trapik sa EDSA kahit hindi ka naman dumadaan doon, nagbasa ka uli ng diyaryo at nakinig ka uli ng radyo, inayos mo yung gamit mo para ngayon kahit na dapat ginawa mo na ito kahapon tapos naligo ka, nagsipilyo at nagbihis.

30 minutes na lang at klase mo na. Kaya naglakad ka na palabas ng bahay, nilaro mo muna nang kaunti yung aso niyong puti, tapos naglakad ka na palabas ng bahay. Paglabas mo ng bahay, naiwan mo pala yung cellphone mo kaya bumalik ka tapos ayun, nag-tricycle ka muna papunta dun sa lugar na maraming taxi tapos nag-taxi ka na.

Dumating ka sa eskuwelahan, 20 minutes ka nang late sa una mong klase, tangina kasi 7:30 am. Kaya naghintay ka, suwerte at may kung anu-ano pang mga ka-eklavoo na ginagawa ang prof mo. Ginawa niyo yung activity, tapos umalis ka na sa klase, naghintay ka muna na matapos ang ilang kaibigan, tapos nagpatuloy na kayo sa canteen.

Habang naglalakad ka, naisip mo yung taong gusto mo, kung magkakaron ba ng pagkakataon na magka-usap man lang kayo ng kaunting “hi” o kaya nama’y “Eksyusmi…..ay ikaw pala yan!”. Naisip mo rin kung may date ba siya sa Feb 14, kung pupuwede kaya siyang ma-libre sa Chinese na resto para naman busog at mumurahin lang. Naisip mo ang maraming bagay, naisip mo rin kung magkakaroon ka nga ba talaga ng pagkakataon na patuparin ang naudlot mong katauhan na nagmamahal. Lumalagablab na sa dibdib mo ang malakas na kagustuhang umibig, ang pag-ibig na nagsasabing “Hoy, nandito lang ako. Kapag minahal mo ako, magiging perpekto na ako, parang si Robi pero magaling mag-VJ.” Wala, imposible. Ano ba naman ang meron ka na wala sa mga lalakeng maaring may gusto sa kanya? Ay oo tama, wala silang negativity, wala silang kawalan ng party instincts at wala rin silang problema sa mundo.

Naglakad ka lang nang naglakad. Nagsasayang ka lang kasi yata ng brain cells.

Umupo kayo ng mga kaibigan mo, nagkuwentuhan, bigla silang tumingin sa likod mo, inisip mo na baka nasa likod mo yung presidente ng eskuwelahan at nahuli ka niyang pinapakyu yung isa mong prof na ayaw pagbigyan yung inilalahad mo, o kaya nahuli ka niya sa Facebook na may katagang “Miguel Paolo Rivera is a fan of Cow and Chicken” at alam naman natin na ayaw ng mga presidente sa Cow and Chicken.

May biglang kumalabit sa iyo.

Siya pala.

Hindi mo marinig kung ano yung sinasabi niya sayo, nabigla ka kasi, biglang bumagal ang takbo ng oras, nawala nang panandalian ang gutom mo (kahit na babalik na naman ito mamaya), nawala ang lahat ng tao, bagay, hayop at tunog sa kapaligiran niyo at ang nandoon lang ay siya at ikaw. Wala nang iba.

May itinanong siya.

Anong gagawin mo?

Anong isasagot mo?

Ako?

Ang sinagot ko ito:

(Naririnig ko lang kasi yung pagtibok ng puso ko, naririnig ko rin yung mga koro ng Backstreet Boys, 98 degress, Brian McKnight with Jimmy Bondoc feat. Paolo Santos. Thankfully naman at this time, di na tumugtog yung “I’m in love with a stripper”

Ako: Ha? Ewan. Sa susunod na lang.

Written by mangprokorpyo

February 10, 2009 at 9:56 am

Posted in Uncategorized

One Response

Subscribe to comments with RSS.

  1. sadyang napakahirap talaga tanggalin sa utak ng mga kabataan ang koro ng backstreetboys, 98 degrees, brian mcknight with jimmy bondoc featuring paolo santos..
    ;)

    Niko

    March 10, 2009 at 12:42 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.