Ngiti. Mundo. Ngiti.

Just another WordPress.com weblog

leave a comment »

Hindi ka ba nagtataka kung bakit mas maganda pa ang expression na “Hulog ng Langit” kaysa sa “Angat ng Impyerno”?

Hindi ba’t kapag hinulog ka galing sa paraiso kung saan nandoon ang pinakamababait na nilalang sa buong sansinukob, ibig sabihin nun, may masama kang ginawa?

Kaya ako, mas gugustuhin ko pang sabihan akong inangat ako ng Impyerno kaysa sa hulog ako ng langit, kasi ibig sabihin nun may ginawa akong mabuti sa pinakamasamang lugar sa buong sansinukob at masyado silang nabaitan sa akin.

Miguel, inangat ka talaga ng impiyerno.

*Ubo*

*****

Dear L,

Hindi pa man tayo nagkaka-usap, hindi pa man tayo lubusang magkakilala, hindi pa man tayo nagtatanungan kung ano ang paborito nating sabaw, gulay o kulay sa buhay, paboritong kape, deodorant, newscaster, tuna o political philosopher at magkuwentuhan tungkol sa mga dati nating mahal, mga pagmamahal na tanggap na nating dalawa na sa alaala na lang talaga natin maibabalik pakiramdam ko na pang-habangbuhay ka na.

Hindi naman kasi ako nagmamadaling magkakilala tayo, hindi ako nagmamadaling malaman ang mga bagay patungkol sa buhay mo, mga pangarap mo o mga kapalpakan mo sa buhay. Bakit ako magmamadali kung sa tingin ko naman, kapag tayo na, nandiyaan naman ang habangbuhay para magkakilala tayo. Ang araw-araw na ngayon at magpakailanman upang malaman ang gusto nating malaman at masabi ang “I love you” in 345 different languages and dialects.

Pasyensya na kung masyadong baduy o gasgas ang mga sinasabi ko dito. Patawad kung walang sense, at lalung-lalo na akong nagsisisi at hindi ko masabi kung sino ka. Masyadong delikado, kung mayroon man akong natutunan, yun ay ang lahat ay may oras.

Tuwing nakikita kita, lumalabas ang koro ng Backstreet Boys, 98 degrees, si Brian McKnight with Jimmy Bondoc feat. Paolo Santos. Sabay-sabay tumutugtog sa aking tenga ang lahat ng kanta nila kasama na rin yung “I’m in love with a stripper” na kanta nung isa pang singer pero hindi ko alam kung bakit. Baka next time na makita kita wala na yun. 

Nangangako ako sa iyo na gagawin ko ang lahat para lang sa iyo. Sisisirin ko ang dagat, aakyatin ang pinakamatataas na bundok, babawasan ang pinakamasasarap na calories, tatalunin ko sa Math si Mikee Lee, haharangan ko yung service nila Nadal at Federer gamit ang aking katawan, magpapatadyak ako sa balls mula sa isang galit na lola na tumatawid sa kalsada. Lahat ng iyan gagawin ko, mahalin mo lang ako. Pero kung mahal mo naman ako, huwag mo naman ipagawa sa akin yan, maawa ka please.

*****

Tsaka ko na itutuloy yang love letter na yan.

*****

Panaginip ng isang kaibigan ko:

Mr. M: Rubetso! Ay chos yo!

Robichu: Robiiii! Robichu!

Mr. M: Shoe hem yor tel wep atak!

Mr. X: You can’t beat my Karlusaur! Karlusaur! Show him your…

At doon nagtapos ang panaginip.

*****

Bakit ko nga ba muling binasa ang Noli me Tangere?

Ang sagot: Bakit hindi? Sa ganda ng nobela at sa yaman ng mga tauhan nito, nahahanay na ito sa mga paborito kong nobela sa balat ng lupa.

*****

Sino si L?

Hmm..Lorna? Luisa? Lilibeth? Lisa? Lilla? Love? Sino kaya si L? Totoo kaya si L? Tao kaya si L? Baka naman libog lang ang ibig sabihin ni L? Ah! Si L! Yung babaeng yun!

*****

Galit – Ne-Yorak

Nakatitig sa’kin
Di ko alam ang aking gagawin
Mmmmm..
Wala man lang pansin
Sigawang na lang ang iinitindihin
Oooohhhh
(Bla bla bla)

Koro:

Baby, alam kong minsan umuulan. (Umuulan)
Pero baby puwede ba na ta-yo’y magkaayusan. 
Dahil ayokong matulog (Nang galit sa ‘yo)
Huwag ka munang matulog (Nang galit sa’kin)

*****

Advertisement

Written by mangprokorpyo

February 1, 2009 at 5:48 pm

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.