Alam mong gutom na gutom ka na talaga kung humihigop ka ng sabaw ng adobo.
*****
Kanina, pagkagising ko, nabigla ako sa aking nakita, umiikot-ikot sa may ulo ko ang tatlong lamok. Tawagin na natin sila sa pangalang Karluz, Ruby at Lamok 3. Nakita ko na biglang lumapit sa akin si Lamok 3 at nag-ingay sa aking tenga. Wala akong imik, tsinismisan na naman ako. “Patay na si Marky Cielo,” ang sabi niya. “Ang ingay mo, inaantok pa ako,” ang sagot ko.
Nabigla na lang ako nung nakita kong may kagat ako ng lamok sa mata. Tinanong ko ang tatlong lamok kung sino ang kumagat sa akin. “Hindi kaming tatlo,” sabi ni Karluz at ni Ruby nang halos sabay. “Kinagat ka ni Lamokokey, yung lamok na pinakamatapang sa amin.”
Bumalik na lang ako sa aking pagtulog.
*****
Ang tagal ko na palang hindi nag-update nitong blog.
*****
Iba talaga ang pakiramdam kung nakita mo yung crush mo na medyo hawig yung taong mahal mo pa rin. Gusto mong itanong sa sarili mo kung puwedeng siya na lang ang mahalin mo at kung posible bang mahalin ka niya rin. Gusto mo siyang lapitan at sabihin sa kanya na nagkaroon ka ng vision na siya ang babaeng dapat mong pakasalan at kung puwede ba kayong mag-date. Malay natin, baka nga gawin ko yun.
Nakita ko na naman kasi siya. Nasa-hallway. Nakita ko ang kanyang mukha, ngiti, mata, buhok, ilong, ngipin, katawan, pisngi, damit, sapatos, pantalon at kung anu-ano pang mga parte ng katawan at mga bagay na kapag pinagtagpi-tagpi mo, siya lang ang kalalabasan. Ang gandang iyon, ang ngiting iyon at mukhang iyon at wala nang iba. Siya at siya lang ang makikita mo at siya rin lang ang naging laman ng isip ko ganap na 3 seconds ng aming pagkikita. Pero okay lang, balang araw habangbuhay naman kami magkakasama.
*****
Dalawang tao na ang nagsabing pumayat ako. Wala pang taong ka-close ko ang nagsabi nito kaya ayoko munang maniwala.
*****
Masarap ang feeling kapag may kasabay kang mga pari o madre sa jeep. Alam mong hindi ka maaksidente at tatahimik yung maiingay na pasahero na nakakaistorbo. Pero masarap namang maalala yung pakiramdam ng kaba kapag nauna silang bumaba kaysa sayo. Shet. I’m gonna die, don’t leave me.
*****
Hanggang ngayon, isa pa ring misteryo para sa akin ang ibig sabihin ng litrato ng pandang nakapaskil sa pader ng aking kuwarto. Alam niyo na naman siguro yun, yung litrato ng pandang kumakain ng bamboo. Paminsan-minsan kasi tinititigan ko na lang ito at sinasabi ko na lang sa sarili ko na balang araw, sa sobrang uso ng aking mukha, magiging sikat ako na cross-stitch. Halos lahat ng bahay merong cross-stitch ko.
Lahat ng hayskul sa bansa magtuturo sa Home Economics subject nila kung paano gumawa ng cross stitch ng mukha ko. Tapos lahat ng cross-stitch na mukha ko dapat lagyan ng frame na gawa sa Mahogany. Oo tama. Tatakbo akong presidente para balang araw, magiging sikat ako na cross-stitch.
*****
Paminsan-minsan kung may oras ako, nanonood ako nung Tayong Dalawa sa Abs-Cbn. Lagi kasing tumatakbo sa utak ko yung kanta ni Gary V. na theme song ng serye kapag pinapanood ko ito. Minsan, iniisip ko na lang na kinakanta lang ng mga tauhan yung kanta at di na sila nagsasalita. Pagkatapos nito, iniisip ko na kumakain na lang ng noodles yung lahat ng stars and crew. Wow. Noodles, ang tagal ko nang hindi kumakain ng noodles. Nami-miss ko nang kumain ng noodles. Kung papipiliin ako kung ano ang mas namimiss ko, kung noodles ba o ang aking lovelife alam niyo na ang pipiliin ko.
*****
Ang aking love life.
*****
If I were a girl, even just for a day……
1.) Tatakbo ako sa Katipunan Road nang nakahubad at magsisisigaw na since natikman ko ang libreng tocino donut sa Krispy Kreme, itinakwil ko na ang gamit ng damit.
2.) Magsho-shopping ako nang mga kalahating araw, kahit na puro panty at bra lang naman ang bibilhin ko.
3.) Kakantahin ko yung kantang “If I Were A Boy”
4.) Mahihimatay sa unang onset ng mensturation.
5.) Sasapakin ko ang lahat ng binatang makakasalubong ko, hindi nila ako magagantihan kasi idadahilan ko ang PMS ko.
*****
Patapos na ako.
*****
Mahirap at malungkot mabuhay to the fullest. Mahirap talagang sabihin na lang sa crush mo na gusto mo siyang i-date. Mahirap sabihin sa taong mahal mo na mahal mo pa rin siya. Mahirap tumawag sa isang taong hindi mo nakakausap nang pagkatagal-tagal at kamustahin siya. Mahirap gawin ang mga bagay na maliliit pero napakalaki ng hatak sa buhay natin. Mahirap talaga, ang lumapit sa isang taong iba na ang mundo sa iyo, ang lumapit sa isang taong hindi aware na buhay ka pala at posible pala ang mixture ng ganyang mukha para makapag-produce ng bagong addition sa compendium ng mga mukha ng tao. Mahirap ang mag seize the day dogma. Mahirap lapitan si Robi kahit na magka-oras kami ng PE at hamunin siya nang malaman na kung sino ba talaga sa amin ang tunay na Robi Domingo. Mahirap lumapit sa isang vendor at sabihing “Manong, ang sarap ng balls mo”. Mahirap ang sumigaw sa publiko ng “Putangina ang sikip ng brip ko”. Mahirap ang magmahal. Mahirap ang umasa. Mahirap ang lahat ng bagay.
Pero ito na muna ang pag-isipan natin.
Kung nabaril ka ba sa puwet, masakit bang tumae?