Ngiti. Mundo. Ngiti.

Just another WordPress.com weblog

Kuya Kim Possible

leave a comment »

Ganap ko nang iniiklian ang iba kong post dahil busy ang mga tao. 

 
Photobucket

“Ang Syet Natawa Si Migs Nung Inisip Niya Yung Topic Na Ito Seal”

Ang seal na ito ay nagsasabi kung natawa si Migs nung iniisip niya ang paksa ng entry na ito.

Babala: Hindi nangangahulugang nakatatawa rin ang entry.

*****
Photobucket 
 

Si Ate Showie habang nag-o-order sa McDo.

*****

Ang laki pala talaga ni Sharon.

*****

Wala na. Galit na ako. Sinubukan ko pa namang manahimik para lang makita ko ang laman na pag-ibig sa bawat puso ng tao. Sinubukan kong mabuhay sa kapayapaan at pagmamahal nang makita ko nang muli ang aking pinaka-aasam. Pero hindi. Lagi na lang may bumabasag sa katahimikan. Laging may naghahagis ng granada. At sumasabog ang aking pasensya. Siyempre kasama nung granada. Pero shet ang sakit siguro nun masabugan ng granada. Isipin mo yun sasabog na nga yung granada matatalsikan ka pa ng shrapnel grabe yun ang sakit nun mas masakit pa siguro yun kaysa sa matadyakan sa bayag.

Sinasabi ko ito dahil ilang araw ko nang napapanood si Kuya Kim. Tuwing gabi kasi inaabangan na namin yung weather report kasi sobrang lamig. Sa sobrang lamig mabenta ngayon ang jacket sa impyerno. Wow lumang joke.

Sa sobrang lamig, pati yung bangkay na artistang si Dolphy nainitan. Yan mas bago. Rico Yan, malamig na bangkay.

*****
Dapat bigyan nila ng sariling show si Kuya Kim.

Ay. Meron na?

*****

 

*****

Sabi kasi ni Kuya Kim:

“Kapag malamig ang panahon, patayin na lang ang aircon, para iwas sa numero unong atraso. Sipon.”

HANEP PUWEDE TANGINA. IT RHYMESSSS! IT RHYMEEEEEESSSS!

Puwede rin atang gawing tula yan:

Kapag malamig

ang panahon, patayin na lang

ang aircon, para iwas sa numero unong atraso:

Sipon

*Bow* *Palakpak*Alis*

Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko ipagkakaila iyon. Pero ito, paano naman kaming mga taong walang aircon? Paano namin susundan ang payo mo Kuya Kim?! Ha?! Hindi kami katulad mo na anak ni Lito Atienza at may ari ng kung anu-anong mga business pero kalbo naman. Paano kami? Gusto pa naman naming sundin ang isang payo mo bawat araw.

Sa mga hindi naka-aalam si Kim Atienza ay isa sa mga santo ng Robilieving. Naniniwala kami na si Kuya Kim ang kamay na humahawak dun sa mansanas sa cover ng librong Twilight.

*****

Si Kuya Kim.

TV Personality. Space Cowboy. Friend.
Photobucket

Advertisement

Written by mangprokorpyo

January 13, 2009 at 3:27 pm

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.