Happy New Year.

*****
Ang sarap talaga kapag bagong taon. Lalo na kung hindi ipinagbabawal ang paputok.
*****
Manigong Bagon Taon sa lahat. Alalahanin natin na walang pagkakaiba ang araw ng January 1, 2009 sa January 12, 1986, December 31, 2008 at sa halos lahat ng araw sa buhay at kasaysayan natin. Ang simbolismo ng bagong taon ay nasasa puso natin at sana isagawa din natin ito. Gawin nating resolusyon ang pagtulong sa kapuwa. Mga kapamilya, ngayong bagong taon nawa’y maintindihan natin na hindi sagot ang karahasan sa kahit na anong bagay. Na ang lahat ng bagay ay pupuwede nating pag-usapan. Huwag na tayong magmura. Mag-aral tayo ng mabuti. Buwagin ang mole-removal treatments. Hindi ako nakikipagtulungan sa mga sindikato na kumukha ng mga napapalalunan ng mga contestant sa Wowowee. Fuck GMA-7. Ang ABS-CBN ay naghahandog sa inyo ng Takipsilim tapos mag-rereklamo yung mayayaman parang nanonood kayo ng ABS-CBN ah, tangina niyo bumalik na lang kayo sa Gossip Girl at 90210 niyo mga gago. Ma…ALAALA MO KAYAAAAAAAAAA.
-Charo Santos-Concho
*****
Gusto kong gumawa ng bagong relihiyon. Puro babae lang ang pupuwedeng sumali. Sasambahin nila ang librong Twilight at ang mga libro sa Twilight Saga. Itatakwil nila ang kanilang pamilya, kaibigan, buhay, virginity, vaginal health at education alang-alang sa kapakanan at kasiyahan ni Robi. Paniniwalaan kasi nila na si Robi Domingo ang real-life reincarnation ni Edward Cullen at balang araw, isa sa kanila ang pipiliin ni Robi na maging Bella niya. Titira sila sa pinakamataas na restaurant sa mga bulubundukin ng Colorado. Bawal ang sex before marriage pero kung talagang libog na libog na kayo okay lang sino bang pumipigil sa inyo. Bawal ang ibang brand ng cellphone, dapat Nokia lang. Bawal manood ng mga show sa TV unless tungkol o nandoon rin si Robi. Bawal umihi sa mga pader pero sa sahig pupuwede. Ipinagbabawal ang kahit na anong pambabastos sa Twilight at kay Robi.
Mortal na kaaway niyo ang relihiyong Takipsilim – Davao Chapter na isang grupo ng mga taga-Davao na sumasamba naman sa hindi pa nila nakikitang Takipsilim na parang Iglesia local version lang ng version ng Twilight. Naniniwala sila na pogi si Rayver Cruz at nagkatawang-tao siya para lang ipaalam sa lahat ng lalake sa mundo na kahit gaano ka kapanget basta’t may koneksyon ka at maputi ka naman pupuwede mong makatambalan si Shaina Magdayao. Ang mga Takipsilim – Davao Chapter people ay naniniwala rin naman na buhay si Robi pero naniniwala lang sila na isa siyang propeta ng Takipsilim at hindi ang reincarnation ni Edward Cullen. Bawal kumain ng pork sa kanila kasi masama daw ito sa puso.
Habang-buhay na magpapatayan ang mga taga-Twilight at ang mga taga-Takipsilim. Sasabihin nila sa isa’t isa na mali ang ginagawa nila at mali ang kanilang pananamba kahit kanya-kanya naman tayo ng buhay at hindi naman kami nagtatanong. Mag-aaway kayo dahil gusto niyo na maging Robilievers ang mga Rayvernatics at maging Rayvernatics naman ang Robilievers. Wala kayong pake at bababa ang tingin niyo sa mga taong hindi naniniwala sa mga pinaniniwalaan niyo kahit na iniutos sa inyo nina Robi at Rayver na huwag na kayong mag-away fans kasi pupuwede naman tayong magkasundo. Hindi pa rin kayo makikinig at susubukan niyo pa ring i-convert ang taga-kabila, kasi mali daw ang pagbasa nila sa librong Twilight.
*****
Bakit ko nasabi ang unang pangungusap sa entry na ito?
Kasi habang nagmamaneho kami sa Elliptical Road nang mga bandang 1:00 ng umaga, wala kang makikita sa paligid kundi usok.
Kaya ang daming kotse sa Elliptical Road na mabagal ang takbo at naka-on ang parking lights.
Na-astigan ako kasi ganitong oras lang ng taon ko makikita na walang barabal sa kalsada at parang parte kami ng isang higanteng motorcade para sa isang patay.
*****
Sa tuwing nagpapaputok ang mga tao nung mga paputok na mataas ang paputok. (Yung tipong pang show. Yung mga mamahalin.) Tumutugtog sa aking ulo ang mga linyang ito:
Boom, boom. Shake, shake. Now drop.
Boom, boom. Shake, shake. Now drop.
Naisip ko na ito na pala ang pinaka-unang “Shet. Sayang ang brain cells” moment ko para sa 2009.
*****
Isang araw, napadaan ako sa isang simbahan ng mga Robilievers. Ito ang narinig ko:
Parobiliever: Sa mga bibinyagan, magtatanong ako at sasagot para sa akin ang mga ninong at ninang.
Parobiliever: Pangalan?
Magulang: Jeffroy Marion.
Parobiliever: Jeffroy Marion binibinyagan kita sa ngalan ni Direk Lauren Dyogi, Snooky Serna at ni Kuya.
Probiliever: Jeffroy itinatakwil mo ba ang iyong pamilya, kamag-anak, kaibigan, edukasyon, virginity at vaginal health kahit wala ka namang vagina?
Ninong at ninang: Opo.
Parobiliever: Buntis ba si Marian Rivera?
Ninong at Ninang: (Ngiti.)
Matapos kong makita at marinig ang lahat ng ito, umalis na ako kasi natatae na ako at kailangan ko nang makauwi.